Wednesday, June 29, 2011

SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon)

Naiimbyerna na ang malalapit kay Ms. Korina Sanchez particular na si Ms. Girlie Rodis, manager ni Korina.

 Ayaw kasing tantanan sina Mr. & Mrs. Mar Roxas ng isyu na hiwalay na sila. Hindi na raw nila alam kung saan nanggagaling ang mga imbentong kuwento na ‘yun.

“Paano naman mangyayari ‘yun eh nasa Australia nga sila ngayon. Bigla na lang daw nagyaya si Mar,” kuwento ni GR sa kabilang linya ng telepono na naiirita na sa issue.

Nag-iisip tuloy sila na may taong nagpapakana ng hiwalayan ng mag-asawa.





No comments:

Post a Comment