Friday, July 15, 2011

Korina, Ted had a special relationship before?

photo from TV Patrol
Game na Game na sumagot sa SNN: Tanong All You Can si award-winning broadcast Journalist na si Korina Sanchez. Sa bihirang pagkakataong ibinahagi niya ang kanyang personal na buhay.

Isa-isang sinagot ni Korina ang mga tweets ng taga-subaybay ng Tanong all you can ng SNN at maging ng kanyang fans na nagtweet din upang ipaabot nito ang kanilang katanungan para sa hinahangaang female newscaster.
Unang tinanong sa tweet na kung kailan sila magkakaanak ni Mar na magdadalawang taon na mag-asawa. At kung ano ang nais niya maging anak, kung lalaki ba o babae?

“I think it’s going to take some work, maybe even a miracle. But we’re looking forward to it. Hopefully it’s going to happen soon. Girl or boy? Any,” ani Korina

Binunyag din ni Korina ang isang bagay na nakaapekto sa kanyang profession maging sa kanyang pamilya .

“The worst things have been said about me, have been said about Mar, our family. Ang pinakaimportante kasi, una alam mo kung sino ka, alam mo kung ano ang paninindigan mo, alam mo na wala kang sinasaktang tao. Importante na mayroon kang support system tulad ng isang nagmamahal sa ‘yong asawa or pamilya,”kanyang pagbubunyag.

Hindi rin pinalampasan ang kanyang naging nakaraang buhay nang tanungin din sa tweet ang naging special daw na pagtitinginan nuon ng kanyang kapareha si Ted Failon na nakasama niya sa "Hoy Gising" at "Tambalang Failon at Sanchez".

“OMG. Hindi po. Best friends lang talaga kami forever. Kasi noong nakilala ko si Ted may asawa na siya. So hindi talaga kami nagkakatugma dahil noong siya naman ang nagbinata na ulit, may asawa na ako. Talagang hindi pinagtatagpo ng tadhana,”

Korina also answered about how she keeps beautiful glow.

“Wala lang trying hard lang ho. You strive hard lang po,”

No comments:

Post a Comment