Wednesday, June 6, 2012

Kapamilya Anchors Update: Ka Tunying meets Thalia's Nanny


Ka Tunying and his wife, Rossel with Thalia's Nanny, Rowena Lacson .
(Photo by Rossel Taberna via Instagram)


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakausap ng ating Kapamilya News Anchor at Dos Por Dos Host na si Anthony Taberna ang staff ni Thalia na nagpadala ng regalo para sa kanya. Kanina ay nagdaos sila ng simpleng salu-salo kasama ng kanyang maybahay na si Rossel ang personal nanny ng Mexican Superstar na si Thalia na isang Pinay at kasalukuyang nagbabakasyon sa bansa.

Si Rowena Lacson ang nanny ng mga anak ng naturang singer nag ikasal sa kanyang asawa, ang record producer na si Tommy Motola na mag pro-produce ng album ng American Idol runner up na si Jessica Sanchez. Kuwento niya, masaya ang kanilang pamilya at mabuti silang amo para kay Tita Rowena.

Matapos ng dinner nila sa isang eksklusibong restaurant ay nagpaabot din ng sariling "goodies" si Ka Tunying. Matatandaan ay pinadalhan siya ng autograph CD at latest issue ng People Magazine noong nakaraang Linggo na ibinida niya sa Umagang Kay Ganda. Nagpasalamat siya kay Thalia sa magandang regalo kaya bibigyan din siya ng isang simple ngunit makabuluhang "goodies" na pinag-isipan ng mag-asawa.

Naging tagahanga si Thalia dahil sa kanyang Punto Por Punto Episode tungkol kay Jessica Sanchez at nagtweet na gusto niyang i-follow sa Twitter si Ka Tunying bagamat wala pa siyang Twitter account.

Ka Tunying's Goodies for Thalia. How cute. :)
(Photo by Rossel Taberna via Instagram)


Photo credits by Rossel Velasco Taberna (via Instagram)
Blog by Jessica Marie

No comments:

Post a Comment

Post a Comment